^

Bansa

P160-M 'dinugas' sa Nat'l Printing Office

-
Nanawagan kahapon ang ilang concerned employees ng National Printing Office (NPO) sa Ombudsman at Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) na imbestigahan ang talamak na ‘overpricing’ at kawalan ng bidding sa mga transaksyon sa nasabing ahensiya na naging dahilan ng pagkalugi ng P160 milyon ng gobyerno.

Tumanggap ng reklamo ang PSN mula sa mga empleyado ng NPO tungkol sa umano’y ‘171 porsiyentong’ overpricing ng mga materyales at supplies ng NPO na pinaniniwalaang may basbas ng mga opisyales nito.

Nabigong makunan naman ng panig ang OIC ng NPO na si Ronald Velasco hinggil sa naging alegasyon ng mga empleyado.

Sinabi ng mga empleyado, ang katwiran ni Velasco sa kawalan ng public bidding sa mga transaksyon ay dahil sa emergency cases at urgency.

Kinuwestiyon din ang pagtatalaga kay Velasco dahil kapatid ito ni Public Information Agency director Rene Velasco na maliwanag na nepotismo dahil ang NPO ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng PIA.

Sa kabila na nahatulang guilty sa simple misconduct si Velasco na may katapat na parusang 1 buwang suspensyon ay hindi nilalapatan ito ng kaparusahan.

KINUWESTIYON

NABIGONG

NANAWAGAN

NATIONAL PRINTING OFFICE

PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION

PUBLIC INFORMATION AGENCY

RENE VELASCO

RONALD VELASCO

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with