Ito ang ipinahayag ng Japan Bank for International Cooperation (JBIC) sa kanilang liham kay Budget Acting Secretary Mario Relampagos.
Nababahala si JBIC chief representative Osamu Murata na ang patuloy na pagkabalam ng pagpapatupad ng LRT expansion project ay lalong magpapalobo sa pagkalugi ng bansa.
Tinukoy ng JBIC ang kontratang nilagdaan sa pagitan ng LRTA at Sumitomo-Itochu Joint Venture, nagwaging bidder, na siyang pangangailangan upang magpalabas ang Department of Budget and Management ng isang multi-year obligational authority matapos irekomenda ng Department of Transportation and Communications bago magsimula ang kontrata.
Sinabi pa ng JBIC, ang bangkong nagpopondo ng 18.8 bilyong Yen sa proyekto, na mahalaga ang magiging epekto nito sa iba pang pangangailangan ng pakete ng proyekto sa kabuuang epekto ng kasalukuyang operasyon ng railways system. (Ulat ni Edwin Balasa)