^

Bansa

P200-M lugi sa RP dahil sa delay ng LRT expansion

-
Umaabot sa P200 milyon ang nalulugi sa Pilipinas kada taon dahil sa pagkaantala ng pagpapatupad ng LRT Line 1 Capacity expansion project.

Ito ang ipinahayag ng Japan Bank for International Cooperation (JBIC) sa kanilang liham kay Budget Acting Secretary Mario Relampagos.

Nababahala si JBIC chief representative Osamu Murata na ang patuloy na pagkabalam ng pagpapatupad ng LRT expansion project ay lalong magpapalobo sa pagkalugi ng bansa.

Tinukoy ng JBIC ang kontratang nilagdaan sa pagitan ng LRTA at Sumitomo-Itochu Joint Venture, nagwaging bidder, na siyang pangangailangan upang magpalabas ang Department of Budget and Management ng isang multi-year obligational authority matapos irekomenda ng Department of Transportation and Communications bago magsimula ang kontrata.

Sinabi pa ng JBIC, ang bangkong nagpopondo ng 18.8 bilyong Yen sa proyekto, na mahalaga ang magiging epekto nito sa iba pang pangangailangan ng pakete ng proyekto sa kabuuang epekto ng kasalukuyang operasyon ng railways system. (Ulat ni Edwin Balasa)

BUDGET ACTING SECRETARY MARIO RELAMPAGOS

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

EDWIN BALASA

INTERNATIONAL COOPERATION

JAPAN BANK

NABABAHALA

OSAMU MURATA

SUMITOMO-ITOCHU JOINT VENTURE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with