^

Bansa

Mas mababang parusa sa Pinoy sailor ihihirit

-
Mas mababang sentensya kaysa parusang bitay ang ihihirit ng mga abogadong ipagkakaloob ng pamahalaan para kay Nelson Diana, ang Pinoy sailor na nahatulan ng bitay sa Malaysia matapos mahulihan ng kalahating kilong cocaine.

Ayon kay Press Sec. at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, lahat ng Pilipinong manggagawa na nahaharap ng problemang legal sa ibayong dagat ay bibigyan ng tulong ng gobyerno.

Ito ay para matiyak na mabibigyan sila ng kaukulang proteksyon sa ilalim ng batas ng Malaysia o alinmang bansang kinaroroonan nila.

Sinabi ni Bunye na ang pamilya ni Nelson ay binigyang impormasyon na ng Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa kaso nito.

Si Diana ay pinatawan ng parusang bitay noong Enero 25 ng mababang korte ng Malaysia dahil sa pagdadala ng 508.6 gramong cocaine sa kanyang hand carried bag habang nasa paliparan ng Kuala Lumpur International Airport noong Agosto 22, 2002. (Ulat ni Lilia Tolentino)
vuukle comment

AGOSTO

AYON

BUNYE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ENERO

KUALA LUMPUR INTERNATIONAL AIRPORT

LILIA TOLENTINO

NELSON DIANA

PRESIDENTIAL SPOKESMAN IGNACIO BUNYE

PRESS SEC

SI DIANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with