15 Pinoy ililikas sa Iraq
December 26, 2004 | 12:00am
Matapos ang matinding pagkakasugat ng dalawang Overseas Filipino Workers (OFWs) na pawang mga babae bunga ng panghuling bomb attack sa Iraq, nagpasya ang may 15 manggagawang Pinoy na lumikas sa isang kampo ng mga sundalong Amerikano sa Mosul, nasabing bansa.
Ayon kay Philippine Charge d Affaires to Baghdad Eric Endaya, nagpahayag ang mga nasabing bilang ng mga OFWs na nagtatrabaho bilang mga tagaluto, tagasilbi at tagalinis sa Camp Glory, kilala rin bilang Forward Operating Base Marez o Camp Ghislani sa Mosul, Iraq ng kanilang kagustuhang umalis doon bunga ng matinding takot dahil sa walang humpay na pag-atake ng mga terorista.
Nitong nakalipas na Disyembre 21 ay dalawang Pinay worker sa nasabing kampo ng mga sundalong Amerikano ang kritikal na nasugatan bunga ng pagpapakawala ng bomba ng mga terorista at umaabot sa 18 US military personnel at anim pang sundalong Iraqi ang iniulat na namatay. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended