MMDA chairman pinasisibak

Iginiit ni Pasig Rep. Robert "Dudut" Jaworski Jr. na sibakin sa puwesto si Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando dahil sa hindi makataong pagtrato nito sa mga vendors.

Nagsumbong ang mga vendors kay Rep. Jaworski sa ginawang hindi makataong pagbuwag ng mga tauhan ni MMDA chairman Fernando kung saan ay sinasaktan pa sila.

Sinabi ni Jaworski, hindi niya kinukunsinti kung ilegal ang pagtitinda ng mga vendors pero hindi dapat maging marahas ang MMDA bagkus dapat maging makatao din sila. Inirekomenda ng kongresista sa Pangulo na ihalal na lamang ng mga alkalde sa Metro Manila ang uupong MMDA chairman dahil sa kasalukuyan ay wala naman itong mandato ng taumbayan at sinasapawan pa ang mga alkalde ng Kalakhang Maynila. (Ulat ni Malou Rongalerios)

Show comments