^

Bansa

Robbery isasampa ng Intsik vs CIDG men

-
Hiniling kahapon ng isang Chinese national sa Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kasong kriminal ang siyam na tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CID) dahil sa umano’y pagnanakaw at tangkang pagtatanim ng ebidensiyang droga sa kanya.

Sa 11-pahinang mosyon ni Shi Zheng Pang, hiniling nito sa Malabon Prosecutor’s Office na sampahan ng kasong robbery, carnapping, perjury at falsification sina Insp. Joven Trinidad, Insp. Angelo Nicolas, SPO2 Aldolfo de Ramos, SPO2 Secerino Bausa, PO3 Josefina Callora, PO3 Renato Gregorio, PO2 Rogie Pinili, PO2 Rogelio Rodriguez, PO2 Richel Creer at isang nagngangalang Cesar Chua.

Sinabi ng complainant, dapat katigan ng Prosecutor’s Office ang kanyang mosyon matapos nagawang ibasura ni Malabon Assistant Prosecutor Joy Diaz ang nasabing kaso.

Inabswelto ni Malabon Regional Trial Court Judge Benjamin Antonio si Pang sa kasong droga nito noong Marso 24, 2004 matapos ang may 8 buwang pagkakakulong dahil sa itinanim sa kanyang ebidensiya ng nasabing mga pulis.

Sinabi ni Pang dapat lamang maparusahan ang nasabing mga pulis na sumalakay sa kanyang bahay sa Araneta village, Potrero, Malabon noong Agosto 16, 2003 pero ang nakuha lamang sa kanya ay isang tranquilizer na Diazepam pero tinangay din ng mga pulis ang kanyang Honda Civic at Mitsubishi Delica van hanggang sa sampahan siya ng kung anu-anong kaso. (Grace dela Cruz)

ANGELO NICOLAS

CESAR CHUA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DEPARTMENT OF JUSTICE

HONDA CIVIC

JOSEFINA CALLORA

JOVEN TRINIDAD

MALABON ASSISTANT PROSECUTOR JOY DIAZ

MALABON PROSECUTOR

MALABON REGIONAL TRIAL COURT JUDGE BENJAMIN ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with