Nabatid na hindi kuntento ang pamilya Estrada sa panahong ipinagkaloob sa kanila ng Sandiganbayan para makapagpaopera ng kanyang tuhod si Erap sa HK.
Ayon kay dating Rep. Didagen Dilangalen, tagapagsalita ni Erap, hindi umano sapat ang ibinigay na December 20 palugit dahil kinakailangan pa nilang makipag-ugnayan kay Dr. Christopher Mow na ngayon ay nasa Amerika para pumunta sa HK.
Bukod dito, kailangan pa rin umano nilang makipag-ugnayan sa ospital kung saan gagawin ang operasyon.
Dahil dito nakatakdang maghain ng petisyon si Dilangalen sa Sandiganbayan sa Lunes upang palawigin kahit man lamang dalawang linggo ang pananatili ni Erap sa HK.
Kapag nagkataon, posibleng sa HK na rin abutin ng Pasko at Bagong Taon ang pamilya Estrada. (Ulat ni Rudy Andal)