^

Bansa

Pamilya Estrada hihirit ng Pasko at New Year sa HK

-
Itutulak ng pamilya Estrada na mapalawig ang December 20 na palugit na ibinigay ng Sandiganbayan kay dating Pangulong Joseph Estrada para makapagpaopera sa Hong Kong.

Nabatid na hindi kuntento ang pamilya Estrada sa panahong ipinagkaloob sa kanila ng Sandiganbayan para makapagpaopera ng kanyang tuhod si Erap sa HK.

Ayon kay dating Rep. Didagen Dilangalen, tagapagsalita ni Erap, hindi umano sapat ang ibinigay na December 20 palugit dahil kinakailangan pa nilang makipag-ugnayan kay Dr. Christopher Mow na ngayon ay nasa Amerika para pumunta sa HK.

Bukod dito, kailangan pa rin umano nilang makipag-ugnayan sa ospital kung saan gagawin ang operasyon.

Dahil dito nakatakdang maghain ng petisyon si Dilangalen sa Sandiganbayan sa Lunes upang palawigin kahit man lamang dalawang linggo ang pananatili ni Erap sa HK.

Kapag nagkataon, posibleng sa HK na rin abutin ng Pasko at Bagong Taon ang pamilya Estrada. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AMERIKA

AYON

BAGONG TAON

DIDAGEN DILANGALEN

DR. CHRISTOPHER MOW

ERAP

HONG KONG

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

RUDY ANDAL

SANDIGANBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with