Nais din ng mga mambabatas na ang nakatakdang pagbiyahe ng mga Pinoy papuntang Iraq ay isang maliwanag na paglabag sa pinaiiral na development ban kung saan hanggang ngayon ay problema pa rin ng pamahalaan ang bihag na si Roberto Tarongoy sa Iraq.
Sa pahayag ng House Committee on Labor and Employment, sinabi ng komite na dapat makipagtulungan ang mga Pinoy sa gobyerno upang hindi siya mabiktima ng masamang elemento sa Iraq.
Idinagdag ng mga solon na miyembro ng komite na dapat isama sa blacklist ang mga recruitment agencies na patuloy na kumukuha ng serbisyo ng mga Pinoy patungong Iraq.
Mas makabubuti din anilang humanap ng trabaho ang DOLE sa mga ligtas na bansa para sa mga OFWs.
Nauna rito, napaulat na naghihintay na lamang ng visas ang mga OFWs upang makapag-trabaho sa US military Camp Anaconda sa Iraq. (Ulat ni Malou Rongalerios)