Pagpatay sa mga kabayong pangarera, ipinatitigil
November 7, 2004 | 12:00am
Umapela kahapon ang mga racehorse owners sa pangunguna nina lawyers sportsman Narciso Morales, William Dagan at Carlos Reyes sa Philippine Racing Commission (Philracom) at sa Manila Jockey Club Inc. (MJC) na ihinto ang pagpatay sa mga kabayong pang-karera na hindi papasa sa compulsory blood testing laban sa equine infectious anemia (EIA).
Nag-resign ang commissioner ng Philracom matapos na hindi nito makumbinsi si Chairman Jaime Dilag at ang bagong talagang si Commissioner Reynaldo Fernando sa mungkahing pagpapahinto sa implementasyon ng eksaminasyon.
Iginiit ng tatlo na sa isang blood testing, kahit na normal at malusog ang isang kabayo subalit positibo sa EIA kahit na walang due process at abiso sa mga may-ari ng kabayo ay kaagad na pagbabawalan ng Philracom na tumakbo ang mga ito. Bukod sa awtomatikong pagkansela sa certificates of registration ng mga kabayo, aatasan din ng Philracom na patayin ang mga kabayo at hindi isinasaalang-alang ang nagastos at maintenance ng mga may-ari nito.
"These also cause additional unemployment for trainers, jockeys and grooms whose livelihood depends on the racing industry and the loss of huge taxes generated by the government from the aforesaid industry. Oftentimes, those found positive are winners in the races and some are Stakes racehorses," ayon pa sa grupo.
Nilinaw pa ng grupo na ang blood testing ay hindi pa napapatunayang accurate at conclusive kahit na sa mga bansang mayroong advance technologies tulad ng US, Europe, Japan at Australia.
Sa naturang mga bansa ang mga kabayong napatunayang nagtataglay ng nasabing sakit ay kinokonsidera pa rin at pinapayagang tumakbo dahilan sa hindi naman ito nakakahawa at binibigyan pa ng kahit na dalawa hanggang tatlong beses na blood examinations bago ikonsiderang positibo at kailangan ng ipagamot.
Ayon pa sa grupo, ang mga tauhan ng MJC sa Carmona, Cavite ay gumagamit ng acetylene torch at binubuksan ang padlocks ng mga lalagyan ng kabayo lingid sa kaalaman ng mga may-ari nito at sapilitang inilalabas ang mga kabayo saka dinadala sa mga isang isolation area kung saan walang sapat na pasilidad upang malantad sa naturang elemento. (Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended