^

Bansa

Mga barko ng Super Ferry pasasabugin

-
Nagbanta kahapon ang Abu Sayyaf Group (ASG) na kanilang pasasabugin ang lahat ng barko ng Super Ferry WG&A na naglalayag sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni Commodore Wilfredo Tamayo ng Philippine Coast Guard-National Capital Region matapos na makatanggap ang kanilang tanggapan ng kopya ng liham ng ASG na ipinadala sa WG&A na nagsasaad ng kanilang malawakang pag-atake.

Nakasaad sa sulat na kailangang magbigay ng $1 milyon ang nasabing pamunuan sa loob ng dalawang linggo mula ngayong araw kapalit ng planong pagpapasabog sa mga barko ng Super Ferry.

Ayon kay Tamayo, ang terrorist attack ay bilang ganti umano ng ASG sa pamunuan ng WG&A dahil sa paghahain ng demanda laban sa kanila ng shipping company matapos ang malagim na trahedya sa pagkakasunog ng Super Ferry 14 noong Pebrero 2004 sanhi ng pagkamatay ng mahigit 100 katao, 44 nawawala at maraming nasugatan. (Ulat ni Mer Layson)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

AYON

COMMODORE WILFREDO TAMAYO

MER LAYSON

NAGBANTA

NAKASAAD

PEBRERO

PHILIPPINE COAST GUARD-NATIONAL CAPITAL REGION

SUPER FERRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with