NBI operation sa Laguna, Rub-out hindi shootout--survivor
October 13, 2004 | 12:00am
Inihayag ng isang survivor sa umanoy naganap na shootout sa pagitan ng hinihinalang Dugoy gang at mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Oktubre 1 sa Southwoods sa Calamba, Laguna ay rub-out ang nangyari at hindi mga holdaper ang mga napatay.
Ayon kay Damian Cea, 27, may-asawa, ng Area J, Block 10, Lot 64, Gen. Mariano Alvarez, Cavite, hindi mga holdaper ang pito niyang kasamahan na napatay ng mga NBI agents.
Iginiit ni Cea, matapos iharap ni Sen. Jinggoy Estrada sa Senate media kahapon, walang nangyaring barilan kundi rub-out ang naganap dahil walang mga armas ang kanyang mga kasamahan na ang talagang pakay ay maghanap lamang ng trabaho.
Napilitang humingi ng tulong si Cea kay Sen. Estrada dahil sa takot matapos na paghinalaan ng mga kaanak ng mga napatay na isa siyang NBI asset at may mga pagbabanta sa kanyang buhay.
Ipinasa na ni Estrada si Cea sa custody ng PNP Region 4 kung saan ay kinatawan naman ni Sr. Supt. Ricardo Padilla, dep. regional director para masiguro ang kaligtasan nito. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended