^

Bansa

Starex ni Sec. Reyes wasak, binagsakan ng 3 sako ng semento

-
Wasak ang sasakyan ni Interior and Local Government Secretary Angelo Reyes makaraang hagisan ito ng tatlong sako ng semento na hinaluan ng bato, kahapon ng madaling araw sa Mandaluyong City.

Arestado ang tatlo katao na kinabibilangan ng isang menor-de-edad na kinilalang sina Robert Amile, 23; Luisito Diones, 32 at isang 15-anyos, pawang mga residente ng Brgy. Hi-way Hills, Mandaluyong City. Nakakulong ang tatlo sa Mandaluyong police station.

Nabatid na pauwi na si Sec. Reyes sakay ng kanyang Starex van (WNG-193) na minamaneho ni T/Sgt. Warlito Mostrales at habang binabagtas ang kahabaan ng EDSA Crossing ay bigla na lamang bumagsak mula sa overpass ang tatlong sako ng semento sa nasabing van at nabasag ang windshield.

Dahil dito, muntik nang sumalpok ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Mabilis namang tinunton ng mga nagrespondeng pulis ang mga suspek hanggang sa madakip matapos na ituro ng ilang saksi. (Ulat ni Edwin Balasa)

ARESTADO

BRGY

DAHIL

EDWIN BALASA

LUISITO DIONES

MABILIS

MANDALUYONG CITY

ROBERT AMILE

WARLITO MOSTRALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with