Ayon kay LRT 2 Public Relations Chief Maricar Jara-Puyod, sinimulan kamakalawa (Okt. 1) at magtatapos sa Okt. 7 ang pagsakay ng libre ng mga senior citizens.
Makakakuha ng free rides ang mga senior citizen sa dalawang tren mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga at alas-4 hanggang alas-7 ng gabi.
Isang senior citizen ID lamang ang dapat na ipakita ng sinumang sasakay sa LRT o MRT upang ma-avail nila ang pribilehiyong ito.
Ang MRT ay tumatakbo sa kahabaan ng EDSA, ang LRT 1 naman ay tumatakbo mula Monumento, Caloocan hanggang Baclaran, samantalang ang LRT 2 ay tumatakbo mula Legarda, Maynila hanggang Santolan sa Pasig City.
Ito na ang ikalawang taon na nagsagawa ng libreng sakay ang pamunuan ng MRT at LRT para sa mga senior citizen tuwing sasapit ang Natl Elderly Week na ginaganap tuwing unang linggo ng Oktubre. (Ulat ni Edwin Balasa)