Atty. pinadi-disbar sa panggigipit sa ambassador
September 29, 2004 | 12:00am
Nakatakdang sampahan ng disbarment case sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang isang abogado na sinasabing nagprisinta ng mga fabricated documents sa Bureau of Immigration para gipitin ang dating ambassador ng Pilipinas sa bansang Laos.
Ayon kay Apolinario Salazar, tagapagsalita ni Ambassador Antonio Cabangon Chua, marapat lamang umanong tanggalan ng lisensiya si Atty. Nympha Mandangan para matigil na ang ginagawa nitong harrasment sa dating opisyal.
Sinabi ni Salazar, pineke umano ni Atty. Mandangan ang birth certificate ni Chua at marriage certificate ng mga magulang nito na sina Chu Guay at Dominga Cabangon para lamang palabasin na hindi Filipino citizen ang dating ambassador.
Si Mandangan ay nag-file ng petition to deport kasabay ng paghahain ng mga huwad na dokumento sa tanggapan ni BI Commissioner Alipio Fernandez. Kasama ni Mandangan sina Ma. Teresa Gallego, Claire Pique, Corazon Songco at dating live-in partner ng ambassador na si Catherine Songco. Ani Salazar, nagsimula ang harrasment ni Mandangan noong makipaghiwalay si Chua kay Songco. (Ulat ni Mer Layson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest