Ipinaliwanag ni Rep. Lopez sa kanyang House Bill 1497 na kalimitang nagiging problema ang kawalan ng dugo sa mga ospital lalo na kung may aksidente.
Dapat anyang malaman ng publiko ang kahalagahan ng pagbibigay ng dugo at ang katotohanang ang tao lamang ang tanging mapagkukunan nito.
Sa panukala, ang DOH ang magbibigay ng lisensiya sa blood bank at tanging mga licensed at qualified physicians lamang ang maaaring kumuha ng dugo sa mga donor. Ang Phil. National Red Cross naman ang may karapatang mag-angkat ng blood bank equipment, blood bags at reagents na ginagamit sa pag-aaral sa dugo ng donor. (Ulat ni Malou Rongalerios)