^

Bansa

Blood centers itatayo

-
Isinulong kahapon ni Manila Rep. Jaime Lopez ang pagtatatag ng mga blood collection centers sa buong bansa upang masiguro ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng dugo sa lahat ng ospital.

Ipinaliwanag ni Rep. Lopez sa kanyang House Bill 1497 na kalimitang nagiging problema ang kawalan ng dugo sa mga ospital lalo na kung may aksidente.

Dapat anyang malaman ng publiko ang kahalagahan ng pagbibigay ng dugo at ang katotohanang ang tao lamang ang tanging mapagkukunan nito.

Sa panukala, ang DOH ang magbibigay ng lisensiya sa blood bank at tanging mga licensed at qualified physicians lamang ang maaaring kumuha ng dugo sa mga donor. Ang Phil. National Red Cross naman ang may karapatang mag-angkat ng blood bank equipment, blood bags at reagents na ginagamit sa pag-aaral sa dugo ng donor. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ANG PHIL

DAPAT

HOUSE BILL

IPINALIWANAG

ISINULONG

JAIME LOPEZ

LOPEZ

MALOU RONGALERIOS

MANILA REP

NATIONAL RED CROSS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with