^

Bansa

SPD director may kolektor?

-
Hamon ngayon sa liderato ng bagong upong Southern Police District (SPD) director Chief Supt. Wilfredo Garcia ang ginagawang pag-iikot sa klab at illegal na pasugalan ng isang iskalawag na pulis na nagpapakitang kolektor umano ng heneral.

Ayon sa source, isang alyas Arnel ang kabi-kabilang nanghihingi ng intelihensiya sa mga beerhouse sa Pasay City, Parañaque City, Makati, Las Piñas, Muntinlupa, Pateros at Taguig.

Bukod dito, si Arnel din umano ang ipinagmamalaki ng mga gambling lord kaya hindi nagagalaw ang mga illegal na pasugalan sa katimugang bahagi ng Metro Manila.

Maliban sa jueteng, ‘patong’ din umano si Arnel sa bookies ng karera ng kabayo, loteng, bookies ng jai-alai, perya at sakla.

Dahil dito, nananawagan ang ilang pulis sa SPD na paimbestigahan sa lalong madaling panahon si Arnel dahil ipinagmamalaki umano nito na ang ginagawa nitong ‘pangongotong’ ay may basbas ni Gen. Garcia. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARNEL

AYON

BUKOD

CHIEF SUPT

LAS PI

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

PASAY CITY

SOUTHERN POLICE DISTRICT

WILFREDO GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with