Congress hearing hiling ng Pinoy inventor
September 15, 2004 | 12:00am
Nananawagan ang imbentor na si Pablo Planas na pagbigyan siyang magsalita sa isang Congress hearing upang maipaliwanag kung gaano kabisa ang kanyang Pinoy gas saving device na makatutulong hindi lamang sa pagtitipid ng gasolina ng sasakyan kundi pati na rin sa pagbawas ng polusyon sa bansa.
Kasabay nito, pinasalamatan ng imbentor ang mga kongresistang sina Compostela Valley Rep. Manuel "Way Kurat" Zamora, Manila Rep. Beny Abante, Lanao del Norte Benasing Macarambon at Cavite Rep. Crispin "Boying" Remulla hinggil sa maagap na pagtugon ng mga ito kaugnay ng napabalitang sinusulot na ng dayuhan ang imbensiyon niyang Khaos Super Turbo Charger. Magandang signos anya ito para tuluyang makakuha ng suporta mula sa pamahalaan ang kanyang imbensiyon.
"Pahintulutan sana nila akong makapagsalita sa Kongreso. Ang layunin ko ay makatulong at sana matulungan din nila (mambabatas) ako," ani Planas.
Nakatakdang magpadala ng sulat si Planas kina Senate President Franklin Drilon at Speaker Jose de Venecia ukol sa kahilingan niyang Congress hearing.
Kinalampag na rin ng Filipino Investors Society ang Malacañang hinggil sa pagwawalang-bahala sa imbensiyon ni Planas. Sinabi ni FIS president Gary Vasquez, wala nang dahilan pa para magkait ng tulong ang pamahalaan dahil dumaranas ang bansa ngayon ng matinding krisis sa pinansiyal at enerhiya.
Hindi na dapat magpatumpik-tumpik pa ang gobyerno dahil 10 bansa na partikular ang Amerika, ang nag-alok ng multi-million dollar para lamang ibenta ang formula ni Planas.Dapat anyang tayo ang makinabang sa kanyang imbensiyon dahil walang tutulong sa Pilipino kundi kapwa Pilipino. (Ulat ni MRongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
18 hours ago
Recommended