Sa ipinalabas na desisyon ng 16th Division ng CA na nilagdaan ni Associate Justice Renato Dacudao, ibinasura nito ang petisyon ni Atty. Alma Mallonga, abogado ni Strunk na nagpapawalang-bisa sa kasong murder sa kanyang kliyente.
Kasabay nito ay pinagtibay din ang warrant of arrest na ipinalabas noon ni Judge Alex Quiros ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 156 laban kay Strunk at sinabing hindi nagkamali ang nasabing hukom.
Pinagbasehan ng appellate court ang apat na mabibigat na circumstantial evidences na kinabibilangan ng logbook ng security guard na kasama si Strunk nang mapatay ang beteranang aktres; walang inihaing ebidensiya si Strunk na magpapatibay sa kanyang alibi o dahilan na wala ito nang maganap ang krimen noong Nobyembre 6, 2001 mula alas-5 ng hapon hanggang alas-4 ng umaga ng Nob. 7; hindi sapat na nakontra ni Strunk na silay magkakilala at pamilyar sa isat isa ni Philip Medel, ang self-confessed killer; at ang open secret ni Medel sa mga malalapit na tao na sangkot ang dalawa sa nasabing krimen.
Dahil dito, sinabi ng DOJ na muling isusulong nito ang extradition case laban kay Strunk na kasalukuyang nasa Estados Unidos upang harapin ang kaso nito sa Pilipinas. (Ulat ni Ludy Bermudo)