^

Bansa

Flying V magbibigay ng pabahay sa mga tsuper

-
Maglalaan ng milyong pisong pondo ang Flying V, isang minor player na kompanya ng langis, upang magbigay ng programang pabahay at pangkabuhayan sa mga tsuper dito sa bansa.

Ayon kay Chito Villavicencio, may-ari ng Flying V, naglaan sila ng paunang P25 milyon upang makagawa ng may 128 pabahay para sa dami rin ng bilang ng mga tsuper sa iba’t ibang transport group.

Ang programa ay inilunsad sa Valle Verde sa lungsod ng Pasig matapos ang pagpirma ng memorandum of agreement (MOA) ng mga opisyales ng Flying V kasama ang mga lider ng iba’t ibang transport group na pinangungunahan ni Phil. Confederation of Drivers Organization Alliance of Concerned Transport Operators (PCDO-ACTO) president Efren de Luna.

Ayon pa kay Villavicencio, bukod sa pabahay na itatayo nila sa Ynares Village sa Bgy. Pinugay, Antipolo City ay magkakaroon din ng pangkabuhayan ang mga tsuper na ibibigay naman ng ilang mga pribadong grupo sa Antipolo City.

Kabilang sa mga itatayong pangkabuhayan ang mga gasolinahan, repair shop, restaurant at retail shops na patatakbuhin ng mga operatiba ng mga tsuper.

"Pinagsama namin ang pabahay at pangkabuhayan para may pambayad ang mga drayber sa bahay nila at umunlad ang buhay nila, ‘pag umunlad ang drayber hindi na sila magwewelga," pahayag pa ni Villavicencio. (Ulat ni Edwin Balasa)

ANTIPOLO CITY

AYON

CHITO VILLAVICENCIO

DRIVERS ORGANIZATION ALLIANCE OF CONCERNED TRANSPORT OPERATORS

EDWIN BALASA

FLYING V

VALLE VERDE

VILLAVICENCIO

YNARES VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with