Sinibak na kritiko ni Garcia umalma
September 9, 2004 | 12:00am
Kinondena ng pangulo ng unyon ng mga manggagawa sa Government Service Insurance System (GSIS) ang umanoy illegal na pagkakadismis sa kanya sa posisyon ni GSIS president Winston Garcia.
Personal na humingi ng tulong sa media si Atty. Albert Velasco, pangulo ng Kapisanan ng mga Manggagawa sa GSIS dahil sa anyay lantarang harassment na ginagawa ni Garcia. Si Atty. Velasco ay sinasabing sinibak sa trabaho dahil sa pagiging kritiko ni Garcia.
Naghain na rin ng kaso si Velasco laban kay Garcia at sa iba pang opisyales ng GSIS dahil sa ginawang terminasyon sa kanya sa nasabing ahensiya. Nakabinbin ang nasabing usapin sa Court of Appeals.
Naniniwala si Velasco na ang pagdismis sa kanya ay isang tangka upang siya at mga kapwa opisyales sa KMG ay mapatahimik sa ginagawang pagbatikos sa mga itinuturing na maling polisiya at patakaran ng liderato ni Garcia na nagdudulot ng masamang epekto sa 1.5 milyong empleyado ng gobyerno.
Tatlong taon na umano silang nananawagan para masibak sa posisyon si Garcia ngunit nananatiling bingi si Pangulong Arroyo.
Iginiit ng abogado na marapat lamang alisin sa puwesto si Garcia dahil sa lantaran nitong paglabag sa karapatan ng mga kawani ng pamahalaan. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest