Tipid-gas gadget dapat subukan DOE
September 9, 2004 | 12:00am
Kung nais talagang makatipid sa pagkonsumo ng gasolina ng sasakyan, dapat ay subukang gamitin ng mga motorista ang Pinoy gas saving device.
Ayon kay Art Abitan, supervisor ng Energy Efficiency and Conservation Division ng Department of Energy (DOE), kung siya ang tatanungin, maaaring subukan ang Khaos Super Turbo Charger bilang kagyat na solusyon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasoline sa bansa.
"Kasi base sa mga ginawa naming pagsusuri, mahigit sa 20 porsiyento ang nababawas sa nakokonsumong gasoline kapag mayroong Khaos (Super Turbo Charger). Ang halaga ng gasoline natin per liter ngayon ay P27 pataas at kung mayroon kang gas saving device makakatipid ka ng anim na piso bawat litro ng gasoline," paliwanag ni Abitan.
Kamakailan, limang sasakyan na nilagyan ng Khaos(www.khaos.com.ph) ang sumailalim sa pagsusuri ng DOE. Ang mga ito ay isang taxicab na Toyota Corolla model 1996, isang Ford XLT Expedition, Mazda Power van, Tamaraw FX at Honda Accord na sasakyan mismo ni Energy Sec. Vince Perez.
Lahat ng sasakyan ay pumasa base sa ipinatutupad na standard ng DOE, hindi lamang sa pagtitipid sa gasoline, kundi nakatutulong din ito ng malaki sa pagbawas sa polusyon.
Ani Abitan, bagaman hindi ugali ng DOE na "magrekomenda" ng produkto nilang isinasailalim sa pagsusuri, masasabing dapat nang subukan ang Khaos.
Naniniwala si Abitan na dapat tumanggap pa ng matinding suporta hindi lamang sa pamahalaan, kundi pati na rin sa mga pribadong sektor ang produkto ng Khaos na maipagmamalaking gawang Pinoy.
Pareho nang nagpalabas ng rekomendasyon ang LTO at LTFRB hinggil sa malaking tulong na maibibigay ng naturang tipid-gas gadget. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 10, 2026 - 12:00am