^

Bansa

Cabangon Chua, absuwelto sa rape

-
Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong kriminal laban kay Philippine Ambassador to Laos Antonio Cabangon Chua na isinampa ng kanyang dating live-in partner.

Sa 11-pahinang resolusyon ng prosecution, ipinawalang-saysay nito ang kasong rape, attempted murder, serious illegal detention at paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children na isinampa ni Catherine Songco laban kay Cabangon Chua.

Sinabi ng DOJ na hindi applicable sa pangyayari o insidente sa isinaad ni Songco sa kanyang complaint affidavit kaya ibinasura ang kanyang reklamo.

Base sa rekord, sinabi ni Songco na ginahasa siya ng Ambassador noong 1987 nang magkasama ang mga ito sa Bahia bar sa Hotel Intercon sa Makati City.

Nilinaw ng prosecution na hindi kinakitaan ng panlalaban si Songco kay Cabangon Chua kung kaya’t malabo umanong magkaroon ng rape dahil nagkaroon pa ang dalawa ng apat na anak bunga ng kanilang matagal na pagsasama. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN

BAHIA

CABANGON CHUA

CATHERINE SONGCO

DEPARTMENT OF JUSTICE

HOTEL INTERCON

LAOS ANTONIO CABANGON CHUA

MAKATI CITY

PHILIPPINE AMBASSADOR

REPUBLIC ACT

SONGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with