^

Bansa

Pag-armas sa mga Hukom kahit walang permit, ok na

-
Nagpalabas ang Korte Suprema ng resolusyon na magbibigay na ng karapatan para sa mga hukom na makapagdala ng baril kahit pa walang permit ang mga ito matapos na magkaroon ng sunud-sunod na pagpatay sa mga hukom sa bansa.

Ang Supreme Court ay bumuo ng Judicial Security Committees kung saan ang layunin nito ay bigyan ng protection ang mga hukom sa bansa laban sa mga harassment, threat at maipagtanggol ang kani-kanilang sarili.

Sa dalawang pahinang resolution, nakasaad dito ang pagbuwag sa mga itinalagang Heinous Crime Courts sa buong bansa dahil napakadali umanong tukuyin ang mga hukom na humahawak ng mga komplikadong kaso at ito ay napaka-delikado sa kanilang buhay.

Ang Administrative Order No. 104-96 ang nagtalaga ng mga korte sa Regional Trial Court na siyang hahawak ng mga karumal-dumal na krimen.

Sa ilalim pa ng Sec. 881 ng Revised Penal Administrative Code, ang mga hukom ay pinapayagan na makapagdala ng baril sa labas ng kanilang bahay kahit pa walang permit-to-carry na nagmumula sa Philippine National Police.

Magugunita na ang pinakahuling hukom na pinaslang sa taong ito ay si Tanauan, Batangas RTC Judge Voltaire Rosales. (Ulat ni Grace Amargo-dela Cruz)

ANG ADMINISTRATIVE ORDER NO

ANG SUPREME COURT

GRACE AMARGO

HEINOUS CRIME COURTS

JUDGE VOLTAIRE ROSALES

JUDICIAL SECURITY COMMITTEES

KORTE SUPREMA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with