Ayon kay SC Public Information Office (PIO) chief Atty. Ismael Khan, ang proposal ni de Castro ay maituturing na "impractical" dahil sa mahirap na pagsasalin aniya ng mga termino ng batas sa wikang Filipino.
Mababago din aniya ang sistema ng edukasyon sa bansa kung lahat na lamang ay isasalin sa wikang Filipino, partikular na sa College of Law.
Sinabi din ni Khan na ang naturang mungkahi ay una ng pinagpulungan ng SC sa Komisyon ng Wikang Pambansa at sila ay nagkaroon ng isang desisyon na ang paggamit o pagsasalin ng court proceedings sa wikang Filipino ay magastos dahil tiyak aniyang kakailanganin ng pondo dito.
Ipinaliwanag pa rin ni Khan na kaya din naglagay ng mga stenographers ang SC sa ibat ibang korte sa bansa ay upang irekord nito sa dialect ng isang lunsod at saka isinasalin sa wikang Ingles.
Binigyang-diin pa rin ni Khan na mayroong mga court interpreter na siyang nagsasalin ng wikang Ingles sa Tagalog.
Ang Revised Penal Code, Civil Code, Labor Code at Rules of Court ay pawang ginagamit sa court proceedings at ang mga itoy nakasulat sa wikang Ingles. (Ulat ni Grace dela Cruz)