^

Bansa

4.5-M senior citizens, 'di nakakakuha ng 20% discount

-
Lumalabas na palpak ang Expanded Senior Citizens Act na ipinasa kamakailan lamang dahil tinatayang 4.5 milyong senior citizens ang hindi makakuha ng 20% diskuwento lalo na sa mga gamot dahil tumatanggi ang mga drugstore na magbigay ng buong discount.

Ayon sa Drugstore Association of the Philippines (DSAP) na nakikipaglaban upang amyendahan ang batas para maging mas makatotohanan ito at madaling ipatupad, ang mga senior citizens ang nagdurusa sa mga depekto ng Republic Act 9253.

Ayon naman sa DOH, may 5-milyong Pilipino na nagkaka-edad ng 60 o higit pa ang naitala noong 2002, kung saan 500,000 lamang sa mga ito na nasa Metro Manila ang nakakakuha ng 20% discount mula sa malalaking drugstores.

Pero sa mga probinsiya, tinatayang mahigit sa apat na milyong senior citizens ang hindi makakuha ng discount dahil walang malalaking drugstores doon na kayang magbigay ng ganoong diskuwento.

Sinabi ni DSAP president Celia Carlos, ‘di kayang bumili ng maramihang gamot ang mga maliliit na drugstores kaya hindi sila makakuha ng diskuwento mula sa mga supplier. Dahil dito, mas mahal aniya ang kanilang tinda lalo na ang mga branded na gamot at hindi kayang magpatong ng malaking tubo dahil hindi na makakaya pa ng mga mamimili.

"Ang patong ng mga drugstore sa mga branded na gamot ay mula 5%-10% lamang," ani Carlos. (Ulat ni Ellen Fernando)

AYON

CELIA CARLOS

DAHIL

DRUGSTORE ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ELLEN FERNANDO

EXPANDED SENIOR CITIZENS ACT

LUMALABAS

METRO MANILA

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with