Pres. GMA nagbawas ng convoy
August 29, 2004 | 12:00am
Binalaan ni Pangulong Arroyo ang mga kriminal na huwag magtangkang samantalahin ang pagbabawas niya ng security convoy dahil mabibigo lamang sila.
Ang babala ay ginawa ng Pangulo kasunod ng pangamba ng publiko na baka malagay sa panganib ang kanyang seguridad dahil sa nagbawas siya ng security convoy para makatipid sa enerhiya.
Ayon kay PSG chief Col. Delfin Bangit, limang sasakyan na kasama sa security convoy ang binawas sa utos na rin ng Pangulo.
Ang security convoy ng Presidente ay binubuo ng 4 police motorcycles, 4 Safari patrol, 4 police patrol cars at isang ambulansiya.
Ang sinasakyan ng Pangulo na presidential limousine ay hindi tinatablan ng bala.
"Binawasan ko ang convoy ko pero sabi naman ng Presidential Security Group bagaman binawasan ang kotse, pero itinaas naman ang firepower. So, would-be assassins, beware anyway," anang Pangulo.
Ang pagbabawas ng Pangulo sa mga sasakyang kasama sa kanyang security convoy kung lumabas siya ng Malacañang ay bahagi ng pagbibigay ehemplo niya sa iba pang upisina ng pamahalaan sa mandatoryong 10 porsiyentong pagbabawas sa konsumo ng gamit na kuryente at gasolina.
Sinabi ni Bangit na ang dami ng bilang ng sasakyang bumubuntot sa Presidente kapag lumalabas ito ng Palasyo ay depende rin sa umiiral na sitwasyon. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest