Sahod ng clerk of court at CA justice pantay na

Demoralisado ngayon ang mga mahistrado ng Court of Appeals (CA) matapos na magpalabas ang Supreme Court (SC) ng resolution na nagbibigay ng pantay na prebilehiyo at suweldo sa mga clerks of court at hepe ng mga tanggapan nito.

Sa 2-pahinang resolution ng SC en banc, inamyendahan nito ang naunang resolution na may petsang June 20, 1995 na pumapayag na magkaroon ng pantay na suweldo at equal treatment ang mga clerk of court ng CA at mga mahistrado nito. "We felt degraded and demoralized. Kami na nga ang tambakan ng kaso ng Supreme Court tapos sa salary and rank ipapantay kami sa clerks of court," pahayag ng ilang CA justices.

Nakatakdang magsumite ang ilang CA justices ng kanilang petition sa SC upang kuwestiyunin ang nasabing resolution. (Ulat ni Grace dela Cruz)

Show comments