PGMA bibisita sa Iran

Inimbitahan ng pamahalaang Iran si Pangulong Arroyo para bumisita sa naturang bansa.

Ang imbitasyon ay ipinaabot sa Pangulo ni Dr. Kamal Kharrazi, Foreign Minister ng Iran nang magbigay-galang siya kahapon sa Pangulo sa Malacañang kasama si Foreign Secretary Alberto Romulo.

Wala pang inihayag ang Palasyo kung kailan isasagawa ang pagbisita ng Presidente sa Tehran.

Una rito ay nagpulong sina Dr. Kharrazi at Romulo at nagkasundo na pabilisin ang implementasyon ng mga kasunduan ng Pilipinas at Iran sa pagtutulungan ng Iran Petrochemical Commercial Company at Philippine National Oil, pagtutulungan sa larangan ng langis at iba pang produktong petrolyo, pagtatatag ng joint business council sa pagitan ng dalawang bansa at pagtutulungan sa larangan ng siyensiya at agrikultura. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments