^

Bansa

DOTC umaksyon vs extort racket

-
Ipinag-utos ni DOTC Secretary Leandro Mendoza ang pagsasampa ng kasong pangongotong sa isang undersecretary ng Malacañang Media Affairs, ilang public relations practitioners at tiwaling miyembro ng media. Ang pagsasampa ng kaso ay inirekomenda ni Mendoza sa NBI at sa Department of Justice (DOJ) bunsod ng pagkakahuli kay Usec. Nolan Sison sa pamamagitan ng DOTC surveillance system, habang umano’y nangongotong ng P1milyon sa ilang opisyal ng DOTC.

Agad namang sinibak ni Pangulong Arroyo si Sison, na nagpakilala umano na miyembro ng anti-corruption group na Philippine Monitoring Group o PMG. Isinabit rin ni Sison ang isang Richard Rivera, dating newscaster ng Channel 9 sa extortion attempt. Si Rivera ang sinasabing leader ng PMG na direktahang humingi ng 1 milyon mula sa DOTC kapalit ng di nito paglulunsad ng isang smear campaign laban kay Mendoza habang nirerebisa ng Commission on Appointments ang kanyang appointment.

Ang PMG ang sinasabing spin-off ng media group ng KNP na na-disband nang matalo si Fernando Poe, Jr. sa May elections. Napag-alaman na noong Hunyo pa sinimulan umano ni Sison at PMG ang tangkang pangongotong sa DOTC. (Ulat ni Edwin Balasa)

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDWIN BALASA

FERNANDO POE

MEDIA AFFAIRS

MENDOZA

NOLAN SISON

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE MONITORING GROUP

RICHARD RIVERA

SISON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with