NBI pasok sa citizenship ni Rep. Cua
August 24, 2004 | 12:00am
Makaraang balewalain ng Comelec ang reklamo kay Quirino Province Rep. Junie Evangelista Cua na inakusahang hindi natural-born Pinoy ay tulong naman ng Natl Bureau of Investigation (NBI) ang hihilingin ng isang abogado.
Ayon kay Atty. Rexie Efren Bugaring, aapela siya sa NBI para imbestigahan kung peke ang mga dokumentong isinumite ni Rep. Cua nang kumuha ito ng Filipino citizenship noong 1967 na ginamit nito sa nakalipas na halalan.
Si Bugaring ay abogado ni dating Diffun, Quirino Vice Mayor at Engr. Dante Valencia na nakalaban ni Cua noong May 10 election.
Nabatid na si Valencia ay naghain ng disqualification protest sa Comelec laban kay Cua matapos umano itong makakuha ng mga dokumento sa Bureau of Immigration (BI) na hindi natural-born Filipino ang mambabatas na siyang pangunahing requirements sa natl position tulad ng pagiging kongresista.
Sinabi ni Atty. Bugaring, batay sa section 6, article 6 ng Saligang Batas, hindi maaaring maging miyembro ng Kongreso ang isang naturalized citizen. Sa kabila nito ay tumakbo pa rin si Cua at pinalad na manalo.
Anang abogado, mahigit 3 buwan na simula ng isampa sa Comelec ang kanilang reklamo ay wala pa ring aksyon ang poll body kaya hihilingin nila ang tulong ng NBI para mapabilis ang imbestigasyon. (Ulat ni Mer Layson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended