^

Bansa

Diskriminasyon sa mga bading, tomboy , huwag ipatupad - DOJ

-
Nagbabala sa Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) si acting Justice Sec. Merceditas Gutierrez na hindi marapat ipatupad ang diskriminasyon sa mga bading at tomboy sa kanilang pamunuan dahil lalabagin ng mga ito ang umiiral na batas.

Ayon kay Gutierrez, alinsunod sa equal protection clause, may patas na karapatan ang babae at lalaki o tomboy man at bakla, gayundin ang labor code na nagbibigay proteksyon para sa lahat.

Batay sa Article 2, Sec. 14, "equality before the law, if the discrimination is patent like promotion or job opportunities, the agency, whether public or private, can be held liable".

Sa Article 13, Section 3 naman, isinasaad dito na ang isang estado ay may obligasyon na protektahan ang lahat ng uri ng manggagawa at magkaloob ng mga job opportunities gayundin ang labor code.

Subalit napakaliit lamang aniya ang naitakdang parusa ng batas dahil kasong unjust vexation lamang ang maaaring isampa laban sa mga mapapatunayang nagkasala.

Ang unjust vexation o Article 287 ng Revised Penal Code ay may katapat na parusang arresto menor o 1-30 araw na pagkabilanggo at multang P5-P200. (Ulat ni Ludy Bermudo)

AYON

BATAY

BUREAU OF FIRE PROTECTION

JUSTICE SEC

LUDY BERMUDO

MERCEDITAS GUTIERREZ

NAGBABALA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REVISED PENAL CODE

SA ARTICLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with