^

Bansa

Bilang national flower: Sampaguita papalitan ng Waling-waling

-
Isinulong kahapon ni Davao City Rep. Vincent Garcia na palitan na ang pambansang bulaklak na Sampaguita at gawin itong Waling-waling.

Ikinatuwiran ni Rep. Garcia sa kanyang House Bill No. 2326 na hindi orihinal na nagmula sa Pilipinas ang Sampaguita dahil ito ay native ng India at Arabia samantalang ang Waling-waling ay mula mismo sa Pilipinas.

Naging national flower ng bansa ang Sampaguita dahil sa Executive Proclamation No. 652 ni Gov. Frank Murphy noong Pebrero 1, 1934.

Pero natuklasan ni Dr. Eduardo Quisumbing, National Museum director at Dr. Vicente Saplala, UP professor sa Los Baños, Laguna na mula sa banyagang bansa ang Sampaguita.

Ang Waling-waling ay isang uri ng orchid na may scientific name na Vanda Sanderiana at makikita sa Mount Apo, Davao at Zamboanga del Sur.

Kinilala rin aniya sa ibang bansa ang Waling-waling nang dalhin ito ni Frederick Sander noong 1982 sa mga taong mahihilig sa orchid sa London hanggang sa pinadami ito sa Singapore, Thailand, Hongkong at Hawaii.

Puwede aniyang makapagpasok sa bansa ng milyon-milyong dolyar ang nasabing bulaklak kapag ito ay ini-export. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ANG WALING

DAVAO CITY REP

DR. EDUARDO QUISUMBING

DR. VICENTE SAPLALA

EXECUTIVE PROCLAMATION NO

FRANK MURPHY

FREDERICK SANDER

HOUSE BILL NO

LOS BA

WALING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with