State visit sa China ni GMA mag-aangat sa turismo ng RP

Inihayag kahapon ni Philippine Tourism Authority (PTA) chief executive officer at general manager Robert Dean Barbers na ang gagawing pagbisita ni Pangulong Arroyo sa susunod na buwan sa Beijing ay napakahalaga dahil magpapatatag ito sa RP-Sino bilateral ties at magpapaangat sa industriya ng turismo sa bansa.

Ayon kay Barbers, ang pormal na imbitasyon ng gobyero ng China kay Pangulong Arroyo na bumisita sa kanilang bansa at magbibigay ng malaking importansiya at oportunidad sa pamahalaan pagdating sa usapin at inisyatibong pang-ekonomiya, agrikultura, kalakal, depensa at turismo.

Sinabi ni Barbers, nagsilbing kinatawan ng bansa sa katatapos na Beijing International Tourism Expo 2004 (BITE 2004) sa China, ang state visit ng Pangulo sa China ay isang senyales na mabibigyan ng magandang pagkakataon ang Pilipinas sa pagpupumilit nito sa mga plano at programa na makakuha ng mga Chinese travelers at turistang tutungo sa Pilipinas sa mga darating na limang taon na magpapaangat ng turismo at ekonomiya ng bansa. (Ulat ni Ellen Fernando)

Show comments