5-year tax moratorium isusulong sa Kongreso
August 13, 2004 | 12:00am
Sa kabila ng ibat ibang panukalang batas na nagsusulputan sa Kongreso kaugnay sa pagpapataw ng mga bagong buwis, isinulong ni Bulacan Rep. Pedro Pancho ang kanyang House Bill 2286 na nagbabawal sa paniningil ng mga bagong buwis sa loob ng limang taon.
Sinabi ni Rep. Pancho na hindi sagot sa lumalaking budget deficit ng bansa ang paniningil ng mga bagong buwis dahil lalo lamang maghihirap ang mga mamamayan.
"The scheme maybe effective in raising funds but the burden will be shouldered not by the rich but by the poor families in the cavalry of poverty," ani Pancho.
Ang mga consumer din naman aniya ang unang naaapektuhan at bumibili ng mga highly taxed products kaya patuloy na humihina ang kanilang buying power.
Bagaman tataas aniya ang budget ng gobyerno dahil sa mga additional taxes, lalo namang maghihikahos ang mga mahihirap na pamilya dahil tataas halos lahat ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Nagbabala pa si Pancho na maraming multinational companies ang lumalayas na sa bansa katulad ng Colgate-Palmolive at Ovaltine dahil sa napakamahal na tax sa Pilipinas.
Ang dapat aniyay ipagbawal ang paniningil ng mga bagong buwis sa susunod na limang taon hanggat hindi naaayos ang pangongolekta ng buwis ng Bureau of Internal Revenue.
Kung magiging maayos aniya ang koleksiyon sa buwis ay hindi kailangang magpasa ng mga bagong tax na naglalayong magpataw ng mga bagong buwis sa ibat ibang produkto at serbisyo.
Sinabi pa ni Pancho na dapat paigtingin ang kampanya laban sa mga tax evaders.
Ikinatwiran pa ni Pancho na hindi na kaya ng maraming mahihirap na Filipino ang mga bagong buwis na binabalak singilin ng gobyerno.
Magugunitang kabilang sa mga bagong tax na pinag-iisipan ng gobyerno ay ang tax sa text, sin products, oil products at iba pa. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest