Kinuwestiyon ng grupong Partnership Agrarian Reform and Rural Development Services (PARRDS) ang kakayahan at integridad ni Villa dahil sa kawalan anila nito ng kaalaman hinggil sa agraryo at ang pagiging anti-worker umano nito.
Sinabi ni Ricardo Reyes, exec. director ng PARRDS na dahil sa nasabing hakbang ng Pangulo ay walang maibibigay na tulong ang gobyerno upang maiangat ang bansa sa kahirapan dahil ang mga nagmamay-ari lamang ng malalaking plantasyon ang makikinabang.
Kilala umano si Villa na malapit sa mga mayayamang pamilya na nagmamay-ari ng plantation sa Negros Occidental at dahil dito ay posibleng isulong pa nito na ma-exempt sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ang mga kapitalista.
Nabatid na galit din ang may 500 sugar mill workers sa Negros na kabilang sa mga trabahador sa Clinog Sugar Mills dahil si Villa din umano ang humaharang upang makuha ng mga manggagawa ang P19 milyon na na-grant na ng korte matapos na magsara ang nasabing sugar mills. (Ulat ni Ellen Fernando)