^

Bansa

Taong may kapansanan 'di puwedeng gamitin sa katatawanan

-
Muling isinulong ni Las Piñas Rep. Cynthia Villar ang panukalang batas na naglalayong parusahan ang mga taong gumagamit sa mga may kapansanan sa mga katawa-tawang sitwasyon sa pelikula, telebisyon at iba pang uri ng komunikasyon.

Sinabi ni Rep. Villar sa kanyang panukalang batas na kadalasang nagiging bahagi ng katatawanan at mga "sick jokes" ang mga taong may kapansanan sa mga pelikula at telebisyon.

Hindi aniya dapat pagsamantalahan ang mga bulag, pipi, bingi, pilay, duling at iba pang depekto ng isang tao dahil tulad ng ordinaryong tao, mayroon ding damdamin ang mga ito na nasasaktan.

Sa ilalim ng House Bill 1480 ni Villar, sinumang tao na gagawing katawa-tawa o negatibo, ipahiya at insultuhin ang mga may kapansanan sa pelikula, telebisyon o stage plays ay papatawan ng parusang pagkabilanggo ng anim na buwan at pagbabayad ng hindi lalampas sa P5,000.

Katungkulan aniya ng gobyerno na mabigyan ng proteksiyon ang mga taong may kapansanan na kadalasang pinagsasamantalahan ng mga taong normal at walang diperensiya sa pangangatawan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

CYNTHIA VILLAR

HOUSE BILL

KAPANSANAN

KATUNGKULAN

LAS PI

MALOU RONGALERIOS

SINABI

TAONG

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with