Emission testing wa epek: Polusyon malala na
August 8, 2004 | 12:00am
Hiniling kahapon ni Pampanga Rep. Juan Miguel "Mikey" Arroyo sa pamahalaan ang mahigpit na pagpapatupad sa Clean Air Act partikular na ang pagsasagawa ng emission testing sa mga sasakyan sa Metro Manila.
Ito ay matapos na lumabas sa ulat ng Environment Management Bureau (EMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nanganganib ang kalusugan ng mga residente ng Metro Manila dahil sa malalang polusyon.
Hiniling din ni Arroyo sa Land Transportation Office (LTO) at sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagsasagawa ng mas malawak na pagsusuri sa tambutso ng mga sasakyan at ang paghuli sa mga lumalabag, partikular na ang mga bus at jeepney.
Batay sa Article 6 Section 46 ng batas, tuluyang igagarahe na ang mga sasakyang hindi pumasa sa emission test at binibigyan ang may-ari nito na gumawa ng remedyo upang makapasa sa pagsusuri sa usok bago ito payagang maka-biyahe muli.
Gayunman, pinuna ni Arroyo na nananatili sa mga kalsada ang mga mauusok na sasakyan tulad ng bus at jeepney na isang lantarang paglabag sa pangangalaga sa kalusugan ng taumbayan. Panahon na anya para sa LTO at MMDA na huwag maging ningas-kugon sa kampanya laban sa mga mauusok na sasakyan dahil nakataya dito ang kalusugan ng mamamayan.
Ayon pa kay Arroyo, kailangan ang mahigpit na pagpapatupad sa Clean Air Act o Republic Act 8749 matapos na sabihin ni EMB chief Cesar Siador na ibat ibang sakit ang makukuha ng mga taga-Manila hanggat hindi napupuksa ang malalang polusyon sa lungsod ng Makati at Valenzuela; Congressional Avenue sa Quezon City; ang paligid ng National Printing Office sa EDSA; ang EDSA-East Avenue kung saan naroon ang tanggapan ng LTO; at ang paligid ng MMDA sa Guadalupe, Makati. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest