^

Bansa

Sa pagsipa ng US sa RP sa Coalition of the Willing: 'Eh,ano ngayon? - GMA

-
"If this is the price to pay for being a Filipino and for leading the Filipino nation, so be it!"

Ito ang inihayag kahapon ng Malacañang sa pahayag ng Amerika na inaalis na nito ang Pilipinas bilang miyembro ng "Coalition of the Willing" o ang pandaigdig na alyansa na nagtataguyod sa demokrasya ng Iraq.

Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, gumawa na si Pangulong Arroyo ng pahayag noon na hindi siya hihingi ng paumanhin sa desisyon niyang pauwiin nang maaga ang mga tropang Pinoy sa Iraq.

Kung ito anya ang kapalit ng ginawang pagsuway ng Pilipinas, tinatanggap ito ni Pangulong Arroyo.

Tahasang inihayag ni State Department spokesman Richard Boucher na hindi na itinuturing ng Amerika ang RP na miyembro ng pandaigdig na alyansa sa Iraq.

"No. They’re not a member of the coalition at this point," pahayag ni Boucher sa isang news conference.

Tiniyak naman ng Palasyo na tuloy ang laban sa terorismo at mayroon pa namang mga pamamaraan para mapanatili at mapalakas ang istratehikong relasyon ng US at RP.

Ayon pa kay Bunye, kahit ano pa man ang sabihin ng ibang bansa ay patuloy na lalaban sa terorismo ang Pilipinas.

Mayroon anyang patuloy na operasyon ang pamahalaan laban sa mga hinihinalang operatiba ng Jemaah Islamiya (JI) dito sa Pilipinas at nagiging matagumpay naman ang kampanyang ito. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AMERIKA

AYON

COALITION OF THE WILLING

JEMAAH ISLAMIYA

LILIA TOLENTINO

PANGULONG ARROYO

PILIPINAS

PRESIDENTIAL SPOKESMAN IGNACIO BUNYE

RICHARD BOUCHER

STATE DEPARTMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with