Mga magsasaka,taas-kamao sa pagkakahirang kay Yap
August 6, 2004 | 12:00am
Nagkakaisa ang National Peasants Democratic Caucus-Southern Luzon Formation (NPDC-SLF) sa pagkakahirang kay National Food Authority Administrator Arthur Yap bilang bagong kalihim ng Department of Agriculture.
Ayon sa grupo, katangi-tangi ang pagkakahirang ni Pangulong Arroyo kay Yap dahil na rin sa karanasan at kabutihang ginawa nito sa hanay ng mga magsasaka at magtitingi ng bigas.
Anila, tanging ang Pangulo lamang ang may kapangyarihan na magpasya kung sino ang ilalagay niya sa isang kagawaran na kumakalinga sa pangangailangan ng kanilang sektor.
"Nagpapasalamat kami kay Pangulong Arroyo at kinilala niya ang kakayahan ni Administrator Yap bilang aming kabalikat sa bukid at pamilihan," pahayag pa ng NPDC-SLF sa kanilang nilagdaang resolusyon.
Umaasa rin ang mga magsasaka sa tuluy-tuloy na pagpapatupad ng mga maka-masang patakaran at alituntunin sa kagawaran sa pag-upo dito ni Yap.
Nanawagan din ang grupo sa mga kritiko ni Yap na bigyan ito ng pagkakataong ipakita ang kanyang kakayahan at karanasan sa pagbibigay ng walang kinikilingang serbisyo sa taumbayan. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest