^

Bansa

Pinoy conjoined twins,hiwalay na !

-
Matagumpay na napaghiwalay ang kambal na batang lalaking Pinoy na ipinanganak na magkadikit ang ulo matapos ang isinagawang 12-oras na panghuling operasyon ng mga dalubhasa sa New York hospital sa Estados Unidos nitong Miyerkules ng gabi.

Hindi napigilang maiyak ni Arlene Aguirre, 32, ina ng kambal na sina Carl at Clarence dahil sa sobrang kaligayahan matapos na maisakatuparan ang pinakadelikado at sensitibong operasyon sa Montefiore Children’s Hospital.

Nabatid kay Dr. David Staffenberg, lead pediatric craniofacial (plastic) surgeon, ang maliit na veins na pinagsasaluhan ng mga bata ang naging mahirap para sa 16-kataong surgical team na nagtulung-tulong sa operasyon. Bukod sa utak, pinaghiwalay din ang kanilang anit at skull bone.

Ayon kay Staffenberg, bagaman matagumpay na napaghiwalay ang ulo ng kambal ay kailangan pa rin silang isailalim sa micro-surgery dahil sa delikadong sitwasyon gaya ng pamamaga ng utak at impeksiyon.

Upang muling mabuo ang skull o ulo ng kambal, isang major procedure ang tuluy-tuloy na isasagawa ng mga doktor kasama na ang iba pang minor reconstructive procedures.

Tiwala naman ang mga doktor na positibo ang resulta ng operasyon.

Ang kambal ay mag-iisang taon na sa naturang ospital matapos dalhin sa New York noong Setyembre 10, 2003. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ARLENE AGUIRRE

AYON

BUKOD

DR. DAVID STAFFENBERG

ELLEN FERNANDO

ESTADOS UNIDOS

MATAGUMPAY

MIYERKULES

MONTEFIORE CHILDREN

NEW YORK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with