Multi-milyong libel isinampa ni FG
August 3, 2004 | 12:00am
Dahilan sa pagtawag na weakest link sa bagong termino ni Pangulong Arroyo, naghain ng kasong libelo sa Manila Prosecutors Office si First Gentleman Mike Arroyo laban sa editor-in-chief ng isang broadsheet at kolumnista ng isang website.
Sa 11-pahinang complaint affidavit ng Unang Ginoo, malisyoso umano ang naging artikulo nina Amado Macasaet, editor-in-chief at Rosario Galang, business editor ng pahayagang Malaya noong Hulyo 9, 2004 na minamaliit si FG Arroyo sa kanyang charitable activities.
Nakasaad pa sa article na hindi sincere ang First Gentleman sa ginagawa nito at hindi totoo ang pagtulong sa mga mahihirap gayundin din ang perang ginagamit nito ay hindi sa kanya.
Samantala nag-ugat naman ang kaso ni William Esposo, columnist ng Inq7.net, ang on-line news website ng Inquirer at GMA 7 noong Hulyo 5 matapos ilagay nito sa website na si Atty. Arroyo ang 'weakest link' sa bagong termino ni GMA, "liability" at akusahan din na abusado, mali ang ginagawa, cronyism at corrupt.Hiningian ni Arroyo ng P10 million bilang moral damages at P1 million attorneys fee si Esposo. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am