^

Bansa

Payumo gigisahin sa 2nd hand vehicles sa Subic

-
Ipapatawag ng Senado si SBMA Chairman Felicito Payumo dahil sa patuloy na pagpayag nitong makapasok sa bansa ang mga second-hand na sasakyan na nagiging dahilan ng pagbagsak ng local assembly industries sa bansa.

Ayon kay Sen. Mar Roxas, chairman ng Senate committee on trade and commerce, maraming local assemblers ang nagrereklamo dahil sa pagbagsak ng kanilang industriya sanhi ng patuloy na pagdagsa ng mga 2nd hand na sasakyan sa Subic.

Dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga segunda-manong sasakyan na pawang mga 2nd hand-drive sa Subic ay napipilitan ang mga local assemblers sa bansa na magbawas ng kanilang mga empleyado.

"Masama ang nagiging epekto sa ating ekonomiya ng patuloy na pagdagsa ng mga second hand na sasakyan sa Subic dahil unti-unting pinapatay na nito ang local assembler industries," pahayag pa ni Mr. Palengke.

Nais ni Roxas na ipatawag si Chairman Payumo sa isasagawang Senate inquiry upang gisahin ito dahil sa patuloy na pagdagsa sa Subic Port ng mga second-hand na sasakyan.

Aniya, sisilipin din ng Senado ang reklamo ng mga local assemblers na ang mga pumapasok na 2nd hand na sasakyan ay mga palusot o smuggled na bumabagsak sa Subic Freeport.

Kabilang sa mga sasakyang ibinebenta sa mga auction sa Subic ay mga 2nd hand na Mitsubishi Pajero, Delica vans, Toyota cars at iba’t ibang luxury vehicles. (Ulat ni Rudy Andal)

CHAIRMAN FELICITO PAYUMO

CHAIRMAN PAYUMO

HAND

MAR ROXAS

MITSUBISHI PAJERO

MR. PALENGKE

RUDY ANDAL

SENADO

SUBIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with