Ito ang sinabi kahapon ni Task Force SONA head Deputy Secretary General for Operations Artemio Dumlao kaugnay sa ginagawang paghahanda ng House of Representatives sa SONA ng Pangulo.
Ayon kay Dumlao, bagaman at kapareho rin noong nakaraang taon ang gugugulin sa SONA. maituturing na maliit ito dahil sa tumaas na ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ang SONA ngayong taon ang pinakamatipid dahil gagamitin na lamang ang mga nakatayong pasilidad na ginamit sa national canvassing ng boto sa katatapos na halalan.
Marami anyang substantial deductions na ginawa para makatipid ang Kamara kabilang na rito ang ni-recycled na uniforms ng mga usherettes, pagkain at mga security personnel.
Pero sinabi nito na hindi sasagutin ng House of Representatives ang pagkain ng nasa 2,000 pulis at militar na ipapakalat sa labas ng Batasan complex.
Aambag din anya ang Senado at Office of the President sa magagastos sa SONA.
Idinagdag nito na nakipag-ugnayan na rin sila sa Metro Manila Development Authority upang ma-exempt sa Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) ang mga behikulo na may car passes ng SONA sa Lunes. (Ulat ni Malou Rongalerios)