^

Bansa

P1.6-M magagastos sa SONA

-
Aabot sa P1.6 milyon ang magagastos ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa gagawing State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Arroyo sa Lunes.

Ito ang sinabi kahapon ni Task Force SONA head Deputy Secretary General for Operations Artemio Dumlao kaugnay sa ginagawang paghahanda ng House of Representatives sa SONA ng Pangulo.

Ayon kay Dumlao, bagaman at kapareho rin noong nakaraang taon ang gugugulin sa SONA. maituturing na maliit ito dahil sa tumaas na ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ang SONA ngayong taon ang ‘pinakamatipid’ dahil gagamitin na lamang ang mga nakatayong pasilidad na ginamit sa national canvassing ng boto sa katatapos na halalan.

Marami anyang ‘substantial deductions’ na ginawa para makatipid ang Kamara kabilang na rito ang ni-recycled na uniforms ng mga usherettes, pagkain at mga security personnel.

Pero sinabi nito na hindi sasagutin ng House of Representatives ang pagkain ng nasa 2,000 pulis at militar na ipapakalat sa labas ng Batasan complex.

Aambag din anya ang Senado at Office of the President sa magagastos sa SONA.

Idinagdag nito na nakipag-ugnayan na rin sila sa Metro Manila Development Authority upang ma-exempt sa Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) ang mga behikulo na may car passes ng SONA sa Lunes. (Ulat ni Malou Rongalerios)

DEPUTY SECRETARY GENERAL

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU RONGALERIOS

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

OFFICE OF THE PRESIDENT

OPERATIONS ARTEMIO DUMLAO

PANGULONG ARROYO

SONA

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with