Ipinaliwanag din ni Fr. Bernas na nakasaad sa Section 25 ng RA 8551 na walang sinumang opisyal ng PNP ang maaaring bigyan ng promosyon kung hindi na tatagal pa ng isang taon sa serbisyo, maliban sa hepe ng pulisya.
Sa ilalim ng bagong batas, maaaring mamuno ang sinumang opisyal ng PNP bagamat ito ay may kulang-kulang pang isang taon upang manungkulan.
Sinabi ni Bernas na ang kanyang legal opinion ay bunga na rin ng mga naglalabasang report na posibleng si PNP Deputy Director General Edgardo Aglipay ang susunod kay PNP chief Director General Hermogenes Ebdane, Jr.
Nilinaw naman ni Justice Undersec. Jose Calida na walang legal impediment kay Aglipay sakaling ito ang pumalit kay Ebdane dahil ito ay naaayon lamang sa batas.
Naniniwala din si dating PNP chief Santiago Alino na ang itatalagang bagong hepe ng PNP ay nasa discretion na ni Pangulong Arroyo alinsunod na rin sa rekomendasyon ni DILG Sec. Angelo Reyes.
Ani Alino, dapat na mamuno sa PNP ay ang opisyal na marami nang karanasan at pinatunayan sa implementasyon ng batas.