^

Bansa

Mga residente ng Biñan umapela sa Comelec

-
Nanawagan ang mga residente ng Biñan, Laguna sa Comelec na agad pakialaman at akuin na lamang ang judicial custody sa may 190 ballot boxes na kasalukuyang kinukuwestiyon sa RTC sa Biñan, Laguna Branch 25.

Nababahala ang mga residente sa umano’y tangka ng grupong nagtatangkang manipulahin ang kasalukuyang electoral contest na iniharap ni dating Vice Mayor Ruben "Cookie" Yatco laban kay incumbent Mayor Hermis Perez matapos tangkaing nakawin ang ballot boxes na malinaw na hakbang upang malihis ang katotohanan.

Sa kabila nito, tiniyak ng mga residente na hindi nila papayagan ang nasabing hakbangin at patuloy silang magiging vigilante para maprotektahan ang mga naturang ballot boxes hanggang maiproklama ang tunay na nanalo nang nagdaang eleksiyon.

Ang babala ay ginawa ng mga residente kasunod na rin ng ulat na noong Hulyo 16, isang Federico Canapit, government employee at tatlo pang hindi nakikilalang lalaki ang sapilitang pumasok sa fiscal office ng nasabing bayan kung saan nakalagak ang mga ballot boxes.

Base sa police investigation, si Canapit at ang tatlong kasama nito ay nakatakas matapos maaresto habang nasa custody ng dalawang security guard na nakatalaga sa Biñan Hall of Justice.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Nonato Reana Rotoni, natagpuan ang mga voter’s list na nakakalat sa sahig at ang ilang ebidensiya ni Yatco sa inihaing electoral protest ay nawawala.

CANAPIT

COMELEC

FEDERICO CANAPIT

HALL OF JUSTICE

LAGUNA BRANCH

MAYOR HERMIS PEREZ

NONATO REANA ROTONI

VICE MAYOR RUBEN

YATCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with