Sinabi ni Tarlac Rep. Jeslie Lapuz sa isang telephone interview na inihain na niya ang House bill 286 na magpapataw ng mabigat na parusa sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis at maging sa mga accountants na nakikipagsabwatan sa mga tax evaders.
Sinabi pa ni Lapuz na kung gaganda ang paniningil sa buwis at mahuhuli ang mga tax evaders ay hindi na kailangang magpataw ng karagdagang tax ang gobyerno na direktang makakaapekto sa mga mahihirap.
Dapat din aniyang ipasara ng gobyerno ang mga audit firms na nagiging daan sa pandaraya ng buwis. Aminado aniya ang ilang audit firms na kailangan nilang linisin ang kanilang hanay upang magtagumpay ang kampanya ng gobyerno laban sa mga tax evaders. (Ulat ni Malou Rongalerios)